Marami nang nagbago. May mga bagay na hindi maiiwasan, isa na dito ang pagbabago. Isa ako sa mga taong hindi natutuwa lalo na sa mga biglaang pagbabago. Pero siyempre, magwala man ako, mainis o magsisigaw man, wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ito. May mga taong napalayo dahil sa iba't ibang dahilan. Pagkakaroon ng ibang priorities, pagkakaiba ng kinahihiligan o fandom, pagkakaroon ng ibang bagong kaibigan, pagiging busy sa trabaho or sa iskwela, pagkakaroon ng lovelife (o ano pa mang katulad nito o pwedeng itawag dito), at marami pang iba. May mga taong lalayo dahil mag-aaral, magtatrabaho sa ibang lugar para mapabuti ang lagay sa buhay o para takasan ang dapat takasan o para magsimula muli. May mga tao akong kinaiinisan kung minsan kahit na wala silang ginagawa para saktan ako. Hindi tama, alam ko kaya naiinis din ako sa sarili ko. At panigurado, may mga tao akong nasasaktan nang hindi ko sinasadya. Mga katotohanan ng buhay ko ngayon. Malungkot man isipin pero totoo. Masakit man pero kailangan harapin. Tao lang. Minsan nalulumbay at napapaisip nang ganito. Tags: family, friends, life Current Location: home Current Mood: contemplative Current Music: none
|